346

Nov 26, 2019 @ 11:39

Para maka-gold! Kikiam dapat kainin ng mga atleta – Philstar reporter

Pinutakte ng mga netizen ang tweet ng Philstar reporter na si Joey Villar dahil sa tila wala sa hulog nitong biro tungkol sa hinaing ‘kikiam’ sa mga 2019 Southeast Asian Games athlete.

Ayon kay Villar, halos lahat ng mga gold medalist na na-produce ng Pilipinas sa nakalipas na mga buwan ay kumakain ng kikiam.

“Si Caloy Yulo kumain ng kikiam sa leveriza. World champion. Si Nesthy Petecio kumain nito sa Davao. World champion. Si Margie Didal, Hindi lang kumain, binuhay pa sa pag bebenta nyan sa Cebu. Asian Games gold medalist,” ayon kay Villar.

Aniya pa, kaya umano hindi nakakatungtong ng World Cup ang mga Pilipinong atleta ay dahil kulang ang mga ito sa kikiam.

Hindi nagustuhan ng mga netizen ang nasabing tweet ni Villar, na tingin nila ay insensitive ang nasabing tweet nito.

“Ahhh… kaya pala sa ka kikiam mo na buro na utak mo,,,tsk.. tsk… kain pa ho kulang pa yan.. napaka gago lang ng sinabi mo wag ka sana gayahin ng mag anak mo…” ayon kay @lisababoy.

“Seryoso ka ba? Ang kadiri naman ng hirit mo. Just because the athletes that you mentioned triumphed despite of the difficult circumstances that they faced doesn’t mean we should subject other NATIONAL athletes to the same conditions. The govt should support our athletes better,” sey naman ni @DeeDemmel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?