21

May 10, 2021 @ 9:25
By

Para magamit na sa ‘Pinas! DOH aasikasuhin EUA ng Sinopharm

Ang Department of Health (DOH) na mismo ang maglalakad ng emergency use authorization (EUA) para sa bakuna ng Sinopharm.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ito’y para hindi na kailangang isaoli ang donasyon ng China para sa naturang brand ng vaccine.

“Ngayong umaga, ang DOH mag-aaply ng EUA sa FDA (Food and Drug Administration) para sa Sinopharm dahil meron na tayong emergency use listing ng WHO (World Health Organization),” saad ni Duque.

Ang naturang bakuna ang ginamit sa mga tauhan ng Presidential Security Group (PSG), gayundin kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaan na pinuna ang Pangulo dahil hindi pa aprubado ang naturang bakuna na gamitin sa bansa, ngunit paliwanag ng FDA. ang Sinopharm vaccine na itinurok kay Duterte ay nabigyan ng compassionate use permit.

Samantala, ang Sinopharm vaccine ay inaprubahan na ng WHO para sa emergency use.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?