16

Sep 17, 2020 @ 17:46
By

Para lumuwag Bicutan jail: 129 foreigner pinalayas ng BI

Nasa 129 na dayuhan ang dineport ng Bureau of Immigration (BI) nitong Huwebes para mapaluwag ang detention center sa Bicutan, Taguig City at makontrol ang pagkalat ng COVID-19 sa kulungan.

“Total (foreigners): 315. Total deported as of Sept. 15: 129 from BI Warden Facility for Persons Deprived of Liberty,” wika ni BI spokesperson Dana Sandoval sa ulat ng PNA.

Sa 129 pinauwing foreigner, 88 ang Chinese; 14 ang Vietnamese; pito ang Amerikano at lima ang Pakistani.

Kasama rin ang dalawang Taiwanese, dalawang British, dalawang Mongolian, dalawang South Korean, tig-isa mula sa Germany, India, Israel, Italy, Netherlands, Saudi Arabia at Sweden.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?