148

Jan 27, 2020 @ 16:18
By

Para kay Kobe: No. 24 ireretiro ng Dallas Mavericks

Wala nang magsusuot ng numero 24 sa Dallas Mavericks.

‘Yan ang naging pahayag ni Mavs team owner Mark Cuban ilang oras matapos ang pagpanaw ni NBA legend Kobe Bryant dahil sa helicopter crash.

Sa statement ni Cuban, nilarawan nito si Bryant bilang ambassador ng basketball, decorated legend, global icon, at higit sa lahat ay mapagmahal at maarugang tatay.

Kaya naman bilang pagpupugay sa mga nagawa nito sa loob o labas man ng basketball ay ireretiro ng Mavericks ang jersey number 24 ni Kobe.

“Kobe’s legacy transcends basketball, and our organization has decided that the number 24 will never again be worn by a Dallas Maverick,” ayon kay Cuban.

“Our hearts go out to all the lives lost and the families impacted by this terrible tragedy. We send our thoughts and prayers to Vanessa and the family, the Lakers organization and Kobe Bryant fans everywhere,” saad pa sa statement.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?