88

Jan 30, 2020 @ 15:12
By

Para kay Kobe: Dinwiddie, Ross, Okafor nagpalit ng jersey number

Bilang respeto sa pumanaw na LA Lakers legend Kobe Bryant, nagsipalitan ng jersey number ang ilang manlalaro ng NBA.

No. 8 at No. 24 ang ginamit na jersey numbers ni Black Mamba sa 20-year career niya sa LA Lakers.

Si Spencer Dinwiddie, No. 26 na; si Mason Plumlee, No. 5, habang si Jahlil Okafor, No. 9.

Balik naman sa No. 31 si Terrence Ross, na gumamit ng No. 8 sa 2019-20 season.

Plano namang ipapalit ni Markieff Morris ang numero sa No. 88; si Alec Burks, No. 20, at si Moe Harkless, No. 11.

Papalitan naman ni Lakers guard Quinn Cook ang kanyang numero mula No. 2 patungong No. 28 bilang pagkilala sa pumanaw ding anak ni Kobe na si Gianna.

Kasama ni Kobe, 41, at Gianna, 13, ang pitong iba pa nang mag-crash ang sinasakyan nilang private helicopter sa Calabasas, California nitong Linggo, Enero 26 (US time).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?