20

Oct 23, 2020 @ 23:33
By

Para kay Calvin! Topex Robinson hagulgol sa interview

Hindi napigilan ni Phoenix Super LPG head coach Topex Robinson na mapaluha sa postgame interview nitong Biyernes.

Ito’y matapos sungkitin ng Phoenix ang panalo, 91-84, kung saan umahon sila sa 17-point disadvantage.

Sa panayam, naging sentro ang suspendidong player na si Calvin Abueva, na hindi pa rin nakapaglalaro sa bubble.

“I think one of the big reasons din for us to really not give up is it’s really hard to leave the gym or leave the hotel knowing that one of your sons is not with you,” saad ni Robinson.

“We told Calvin to keep on playing and being positive. It’s really hard that he really wants to play and he wants to contribute. But the best thing that he could do is cheer for us and it’s hard for a coach to always leave the gym or a hotel knowing that one of your sons is not there with you in this battle,” aniya pa habang emosyonal.

15 buwan nang hindi pa nakapaglalaro si Abueva sa PBA dahil sa suspensyon sa pananakit kay dating TNT import Terrence Jones.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?