55

Apr 24, 2020 @ 14:11
By

Para iwas tambay: Mga mall tatanggalan ng libreng WiFi

Nakatakdang buksan ang ilang mall sa pag-lift ng enhanced community quarantine sa ilang lugar matapos ang April 30.

Sa May 1 ay sasalang ang ilang lugar sa general community quarantine kung saan may mga itatakdang panuntunan ang Inter-Agency Task Force para sa tinaguriang ‘new normal’.

Base sa proposal sa pagbabalik-operasyon ng mga mall, ilang parte lang ang papayagang buksan, kasama dito ang: supermarket, drugstores, banko, laundry service, hardware, at mga restaurant ngunit mananatili na takeout at delivery lang ang pwede.

Dagdag pa dito, tanging mga edad 21 hanggang 59 lang ang papayagang makapasok sa mga mall, na dapat ay may maipakitang ID para papasukin.

Ipapatupad din ang mandatory na pagsusuot ng face mask, paggamit ng alcohol at temperature check para sa mga mall goer.

Bukod pa dito ay aalisin din ang libreng WiFi sa mga mall para maiwasan ang pagdagsa dito, gayundin ay itatakda ang temperatura sa 26 para hindi magpalamig ang mga mall goer.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?