76

Jan 10, 2022 @ 21:46
By

Para iwas stroke: Mga Baguio resident pinagsusuot ng makapal na damit

Pinayuhan ng isang opisyal sa City of Pines ang mga residente nitong magsuot ng makakapal na damit para mapanatiling mainit ang katawan.

Sa isang statement, sinabi ni Dr. Donnabel Tubera-Panes, hepe ng City Epidemiology and Surveillance Unit, ang mataas na temperatura sa lungsod ay maaaring mauwi sa sakit sa puso at hypertension, na magreresulta naman ng stroke.

Dagdag niya, laging uminom ng tubig at maintenance medicine.

Nitong Lunes nakapagtala sa Baguio ng 13.5°C temperature.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?