40

Oct 12, 2021 @ 14:34
By

‘Para iwas impound’: Bebot na rider pinapak ng pulis

Sa kulungan ang bagsak ng isang pulis sa Pampanga matapos nitong papakin ang isang babaeng rider na sinita niya dahil sa pagmomotorsiklo nang walang lisensya.

Kinilala ang parak na si Police Staff Sergeant Robin Mangaga.

Ayon sa ulat ng GMA News, nakatoka si Mangaga sa isang checkpoint sa Mabalacat, Pampanga noong Oktubre 8.

Paglalahad ng biktima na si “Olivia” bumabyahe siya papasok ng trabaho dakong alas-3 ng umaga nang sitahin siya ng parak sa checkpoint.

Aniya, hiningan siya ni Mangaga ng lisensya ngunit wala siyang maipakita.

Batay sa report, aminado naman ang bebot sa kanyang pagkakamali.

Hindi raw tiniketan si “Olivia” at sinabing i-impound daw ni Mangaga ang motorsiklo nito.

Dahil sa kagustuhang mabawi ang motorsiklo, nagmakaawa umano ang bebot sa parak at nag-alok pa ng P500.

Sinita umano si “Olivia” ng suspek sa panunuhol nito.

Matapos nito ay inaya umano ng parak ang biktima na pumasok sa sasakyan kung nais pa niyang makipag-usap.

Ayun pala, sa motel na ang tumbok ng dalawa kung saan nangyari ang panggagahasa.

Matapos papakin, ibinalik na raw ni Mangaga ang motorsiklo ng babae.

Dahil dito, sinampahan ng kasong rape ni Olivia ang parak.

Ayon pa sa report, nahaharap rin sa reklamong administratibo ang pulis.

Napag-alaman na sumerender na raw si Mangaga sa kanyang mga kasamahan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,