166

Jul 15, 2019 @ 13:25
By

Para iwas dengue: Mga classroom lagyan ng mosquito screen – Recto

Dahil dumoble ang kaso ng dengue nitong nagdaang anim na buwan, dapat umanong kabitan na ng screen ang mga bintana at pintuan ng mga pampublikong paaralan sa bansa.

“Kung ayaw nating madapuan ng lamok ang ating mga anak sa bahay, dapat ganoon din sa mga paaralan,” ayon kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto.

“If Filipinos congregate there, then we should make sure that mosquitoes don’t go to school with them. Hindi dapat naka-enrol si Aedes Aegypti, o kung nandoon man, dapat i-expel,” dagdag pa nito.

Batay sa talaan ng Department of Health (DOH), umabot sa 98,179 ang naitalang kaso ng dengue mula Enero hanggang Hunyo ng taong ito kumpara sa 53,475 na naitala sa ganoon ding period noong nagdaang taon.

Pinanukala pa ni Recto na ang pagkakabit ng mga window at door screen ay dapat isama sa standard plan ng paggagawa ng eskuwelahan ng Department of Education.

“Doon sa classrooms na walang screens, ang maaring gawin is we budget for their purchase and let it be installed by school stakeholders, bayanihan style. Ang importante ay maikabit,” sabi pa ni Recto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?