112

Jul 17, 2021 @ 19:11
By

Para iwas demanda! Duterte tatakbo sa pagka-VP

Hindi makukuha sa pananakot ng mga kritiko si Pangulong Rodrigo Duterte na idedemanda pagkatapos ng kanyang termino.

Sa kanyang talumpati sa national assembly ng PDP-Laban sa Clark, Pampanga, mistulang binuska ni Pangulong Duterte ang mga numero unong kritiko nito na sina dating Senador Antonio Trillanes IV at dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio .

Mayroon aniyang immunity from suit ang presidente at bise-presidente kaya para hindi siya mademanda ng dalawang kritiko ay tatakbo na lang sa pagka-bise presidente.

“They keep on threatening me with lawsuits and everything, Trillanes and itong si Carpio and his elk, panay ang takot sa akin na mademanda. Sabi ng batas kung presidente ka , bise-presidente ka may immunity ka. Eh tatakbo na lang ako ng bise-presidente. And after that tatakbo uli ako ng bise presidente at bise presidente at bise presidente,” anang pangulo.

Binigyang-diin ni Pangulong Duterte na kahit kailan ay hindi siya maipakukulong.

Sinabi ng presidente na abogado siya at kung makapagsalita si Trillanes ay parang nagsasalita lang ito sa ordinaryong tao.

“Itong mga hole in the head panay ang takot sa akin, itong si Trillanes, akala mo na naman nagsasalita siya ng ordinaryong tao. You know I’m a lawyer and they can never acquire jurisdiction over my person, not in a million years,” dagdag ng pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?