490
Para hindi matuli: 5-anyos umakyat sa bubungan ng ospital
Jul 15, 2019 @ 13:57
By

Para hindi matuli: 5-anyos umakyat sa bubungan ng ospital

Sa takot, isang batang lalaki ang tumakbo at nagtungo sa bubungan ng medical centre para makaiwas na matuli.

Binahagi ng doktor na si Dr. Anik Sutari, na mula sa Indonesia, sa kanyang Facebook page ang insidente.

Aniya, sa 20 taon niyang pagiging doktor at libo-libong bata na ang kanyang natuli, ngayon lang siya nakaengkuwentro na batang tumakbo at umakyat pa ng bubungan para hindi matuli.

Lahat umano hindi nagtangkang akyatin ang bata maging ang nanay nito dahil sa takot na tumakbo pa palayo ang 5-anyos at madisgrasya pa sa taas ng bubungan.

Makalipas ang dalawang oras, naisip nila ang titser ng bata na ka-close nito ang makumbinsi.

Nang dumating nga ang titser niya, naudyukan nito ang bata na bumaba at walang sabi-sabing dumiretso na para magpatuli.

Normal na sa mga pamilya ng mga Muslim sa Indonesia na ipatuli ang mga lalaking anak sa edad pa lang na 5-anyos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?