64

Apr 1, 2020 @ 17:49
By

Para healthy! Ice Seguerra nag-donate ng mga gulay mula sa Benguet

Imbes puro de-lata at noodles, sariwang gulay mula sa mga Benguet farmer ang naisipang ipamahagi ng singer na si Ice Seguerra.

Sa kanyang Instagram post, makikita ang sandamakmak na gulay na kanilang pinamigay kabilang na ang patatas, labanos at sitaw.

Hindi lang sila nakatulong sa mga apektado ng enhanced community quarantine kundi maging sa mga maggugulay ng Benguet.

“Fresh veggies from our Benguet farmers diretso sa ating mga beneficiaries. Hindi naman pwedeng puro de lata lang diba? We have to make sure our kababayans are eating well para healthy! Thank you to our volunteers for facilitating this,” caption ni Ice.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?