1,453

By

Para bumango ang pangalan nina Joshua, Bea, reputasyon ni Julia isinakripisyo

Isang post sa social media ang naging usap-usapan matapos ipahayag ng isang netizen na si Julia Barretto umano ang biktima sa kontrobersiyang kinakaharap kung saan sangkot ang dating magkasintahang sina Bea Alonzo at Gerald Anderson, maging ang dating karelasyon ni Julia na si Joshua Garcia.

Saad sa Instagram post ng netizen na may user name na lopez_shie, puro one sided lamang umano ang mga lumalabas na isyu ukol kay Julia.

Paratang ng nag-post, sinira umano ang reputasyon ni Julia upang pabanguhin ang pangalan ni Bea at Joshua.

“Di nyo ba naisip na lumabas ang issue na to ngayon kung saan may new movie si bea at si joshua ay may bagong ka love team? Sinakto nila ito lahat para pagusapan at ipamukha na sila ang biktima,” nakasaad sa IG post.

Matagal naman na umanong alam ni Bea na nililigawan ni Gerald si Julia ngunit di sila nagsasalita dahil sa pinagbabawalan umano ng management.

“Matagal naman nang alam ni bea na nanliligaw si gerald kay julia eh and even other artist. Kaya lang walang nagsasalita . why? Kasi pinagbabawalan. i take advantage lang daw yung issue kase win win lang din naman sa kanilang tatlo since baka flop ang upcoming movie.”

Sang-ayon ang ilang netizen sa sinabi ng nag-post ngunit may ilan din namang ipinagtanggol ang side nina Bea.

“Sis, pano naging matagal na hiwalay sina bea and gerald? May babe time pa po nung nanood sila magkasama ng Between Maybes. Nakapagpost pa po si Bea ng story na mukha ni Gerald,” depensa ng netizen na may IG username na chartreuse_girl.

“Magkasama din po ang bearald sa binyag ng anak ni richard gutierrez and sa birthday po ni direk ruel bayani (late june/early july). So kelan po yung “matagal na hiwalay” at hindi ba uso kay julia ang girl code? Magkaibigan naman sila ni bea. Nakikita naman siguro niya posts ni bea. Walang pasintabi na “ate bea, si gerald po umaaligid” habang sinisira reputasyon niya?” dagdag pa nito.

Giit pa ng netizen, tigilan na umano ang pagdepensa kay Julia at pagpapalitaw na ito ang biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?