24

Dec 23, 2017 @ 17:22

Paputok ni James Harden, nailagan ng Clippers

Dinamikong dumiliber ang kamador na si James Harden sa pagsalansan ng kanyang ikalawang sunod na 51-point performance ngunit hindi naging sapat para daigin ng Houston Rockets ang Los Angeles Clippers, 128-118, Biyernes (Sabado, Manila time).

Pumitik ang Clippers sa ikalawang bahagi upang tibagin ang pamamayagpag ni guard Harden, na pinantayan ang kanyang kabuuang buslo mula nu’ng Miyerkoles sa 122-116 kabiguan naman sa Los Angeles Lakers.

Humatag si Harden ng 15 of 28 sa floor at 15 of 16 buhat sa free throw line at nagkasa ng walong assists sa harap ng 18,000 fans sa Rockets’ Toyota Center arena.

Noong Miyerkoles, kumaripas si Harden ng 51 sa 43 minutong aksiyon at nitong Biyernes ay kinaskas lang niya sa loob ng 41 minuto.

Umariba si Austin Rivers sa ikalawang bahagi at nakakuha ng suporta mula kay Lou Williams, na nagpatingkad sa panalo ng Clippers. (AFP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?