281

Dec 30, 2017 @ 14:17

Paputok, bawal na sa Mandaluyong

Mariin nang pinagbawal ng pamahalaang lokal ng Mandaluyong ang pagpapaputok sa kanilang nasasakupan.

Sa Twitter account, sinabing desisyon ito ni Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos at 27 barangay chairmen na alisin ang lahat ng firecracker zones sa kanilang lugar.

Layon umano nito na maging firecracker-free ang kanilang lungsod sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?