33

Dec 24, 2020 @ 10:28
By

Paputok ban iaapela ng Bulacan LGU kay Duterte

Dudulog ang lokal na pamahalaan ng Bulacan kay Pangulong Rodrigo Duterte para muling pag-isipan ang plano nitong pagbawalan na ang mga paputok sa susunod na taon.

“Aapela tayo sa pangulo at makikiusap tayo na baka puwedeng ito ay tuluyan na lang i-regulate. I-regulate na lang para hindi ito mawala sa’tin dahil isa tayo sa mga kinikilala na manufacturer ng paputok,” ayon kay Bulacan governor Daniel Fernando.

Ayon sa Philippine Pyrotechnics Manufacturers and Dealers Association, Inc, aabot sa 300,000 manggagawa ang mawawalan ng pagkakakitaan sakaling pagbawalan ang paputok sa buong bansa.

Ayon kay Lea Alapide, presidente ng Bocaue Fireworks Association, matumay ang bentahan ng paputok ngayong taon matapos na ipagbawal ng mga Metro Manila mayor ang paggmit nito.

“Napakatumal po ng bentahan. Nag-aalangan kasi ang mga buyer dahil sa order ng mga mayor sa National Capital Region na bawal ang paggamit ng paputok ngayong Pasko at Bagong Taon,” ani Alapide.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?