10

Sep 21, 2020 @ 0:32
By

Papremyo sa 3×3 dinagdagan

Mas magiging magigin maigting ang 2020 Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 season na nakatuon sa paghahanda ng national team para sa 2021 FIBA 3×3 Olympic Qualifying Tournament sa pagdagdag ng premyo at insentibo sa mga mananalong koponan ni league owner at president Ronald Mascariñas.

Nais ni Mascariñas na maging handa at palaban ang PH squad sa pagsasanay pa lang kaya may dahilan para kumayod ito sa 12-team Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 President’s Cup katuwang ang TM upang masubok ang katatagan.

May 100,000 top prize sa apat yugto ng President’s Cup, iuuwi ng koponan na sasagupa sa Family’s Brand Sardines-Zamboanga City Chooks na binubuo nina PH no. 1 Joshua Munzon, no. 2 Alvin Pasaol, no. 5 Troy Rike, at no. 6 Santi Santillan sa Finals.

Kailangan din ng Zamboanga City na makapasok sa Finals ng professional 3×3 league at kung hindi ay iuuwi ng first-place team ang P100,000 habang PHP 30,000 at 20,000 sa ikalawa at ikatlo na puwesto sa torneo na ranked level seven sa International Basketball Federation (FIBA).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?