105

Feb 8, 2018 @ 9:50
By

Papel ng PAO sa gitna Dengvaxia controversy, linawin ng DOJ – Sotto

Nanawagan si Senate Majority Leader Vicente Sotto III kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre para liwanagin ang katungkulan ng Public Attorney’s Office (PAO) sa kontrobersya ngayon ukol sa bakunang Dengvaxia.

Sa gitna ito ng panawagan ng ilang senador at sektor na ipaubaya ng PAO sa Department of Health at medical experts ang imbestigasyon at pagsasalita ukol sa kontrobersya sa Dengvaxia.

Ayon kay Sotto, kritikal na magkaliwanagan ukol sa papel ng PAO para matigil ang isyu rito.

Ito ay upang mapagtuunan ang pagbuo ng airtight na kaso laban sa mga dapat papanagutin sa usapin.

Una nang binatikos nina Sotto, Senador JV Ejercito at Senador Richard Gordon ang maagang paghahabla ng PAO laban sa mga isinasakot sa Dengvaxia controversy.

Kanila ring pinuna ang sariling imbestigasyon ng PAO gamit ang sariling forensic expert samantalang ang higit umanong nakakaalam ay forensic pathologist.

Sinabi naman ni Health Secretary Francisco Duque at ilang doktor na ang pagdedeklara ng PAO na Dengvaxia ang ikinamatay ng ilang bata,

Ikinatwiran naman ni PAO chief Persida Acosta na dahil nilalapitan sila ng pamilya ng mga batang nabakunahan ng Dengvaxia at utos ni Aguirre na tulungan ang mga ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?