578

By

Papawis kasama si Zac Efron: Kelsey Merrit todo-ngiti kahit pagod

Minani lang ni Victoria’s Secret model Kelsey Merritt ang workout kasama ang ibang Angels pati na rin ang Hollywood star na si Zac Efron,

Sa Gym Time episode ni Efron sa kanyang Youtube account, game na sumalang si Merritt sa mga routine na iniharap sa kanila.

Parang sanay na ang Fil-Am model na hindi mabanaag ang hirap sa mukha dahil nakangiti pa rin ito habang ginagawa ang mga hamon.

Kasama niya sina Jasmine Tookes, Sara Sampaio at Josephine Skriver sinubukan ang elevated crunches, Russian twists, pull up rows, sumo squats, dumbbell curls at isang friendly basketball competition.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?