49

Feb 29, 2020 @ 14:43
By

Papataying baboy sa Pangasinan, posibleng umabot sa 6,000

May posibilidad na umabot pa sa 6,000 baboy sa loob lamang ng Pebrero ang bilang ng mga kinakailangang isailalim sa culling operation o papatayin dahil sa patuloy na pagkalat ng African Swine Fever sa lalawigan ng Pangasinan, ayon sa Pangasinan Provincial Veterinary Office (PPVO) noong Biyernes.

Ayon kay PPVO officer-in-charge Dr. Jovito Tabarejos, noong Biyernes lamang ay mayroon ng aabot sa 5,581 na mga baboy na isinailalim sa culling ngunit may mga ginagawa pang culling operation kaya posibleng umabot pa ito sa 6,000.

Sinabi ng kalihin, sa kasalukuyan, mayroon ng 17 affected municipalities at karamihan dito ay nasa central Pangasinan kasali na rito ang naunang naitala noong nakaraang taon ang bayan ng Mapandan at Bayambang.

Kabilang pa sa mga apektadong munisipalidad ay ang Sual, Aguilar, Lingayen, Binmaley, Basista, Bugallon, Labrador, Mangatarem, Dagupan, Mangaldan, Urdaneta, Asingan at sa kabuuan ng ikatlong distrito ng Pangasinan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?