22

May 7, 2021 @ 10:23
By

Papatayin kita! Mayweather, Paul rambulan sa presscon

Bago pa ang bakbakan, may patikim na sina Floyd Mayweather Jr kontra sa kampo nina Jake at Logan Paul.

Sa press conference para sa kanilang boxing match sa June 6, nagkakiskisan ang retired boxer at Youtuber.

Sa una ay nag-aasaran lang ang dalawang kampo, kung saan sinabi ni Mayweather na ‘fake fighter’ si Jake at ang kapatid nitong Logan,

Bumalikwas naman si Logan at sinabing ang tanging peke lang sa naturang press conference ay ang hairline ng boksingero.

Tuloy-tuloy lang ang patama nina Mayweather at Paul, ngunit naging mainit ito nang hablutin ni Jake ang sumbrero ng undefeated boxer.

Doon na nagkaroon ng rambulan kung saan makikitang pati ang mga bodyguard ng dalawang kampo ay sumali na rin sa away.
 “I’ll kill you, mother f*****!” gigil na banat ni Mayweather kay Paul.

Nang humupa na ang tensyon ay makikitang nagkaroon ng black eye si Paul.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?