299

Jun 21, 2019 @ 12:34
By

Papasikat sa Japan! Bagunas sunod sa yapak ni Espejo

Papalo si Bryan Bagunas para sa Oita Miyoshi bilang pangalawang Pinoy player sunod ni Marck Espejo para sa Japan V. Premier League.

Nakumpirma ito nang pagpaskil ng profile ni Bagunas sa The Weisse Alder website.

Bukod sa UAAP MVP at team member ng Philippine national volleyball team, tulad niya ay nauna na si Espejo na lumaro para sa Oita Miyoshi kung saan patapos na ang kontrata nito.

Inaasahang lumipad patungong Japan si Bagunas sa Septyembre bago umarangkada ang Japan B. League sa Oktubre.

Bago ito mapapanuood pa din sa Bagumas para sa Go for Gold-Air Force ng Spikers Turf League.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?