162

Jun 26, 2020 @ 16:50
By

PAPAPI? Palit pangalan ng NAIA, humakot ng sari-saring reaksyon

Naging tampulan ng diskusyon at katatawanan sa social media ang panukala ni Deputy Speaker Paolo Duterte na palitan ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) patungong Paliparang Pandaigdig ng Pilipinas, o “PAPAPI” sa mga netizen.

June 25 nang maghain si Duterte at mga kapwa mambabatas na sina Marinduque Rep. Lord Allan Velasco at ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap ng panukala para i-rename ang NAIA.

Dahil dito’y nag-trending ang “NAIA”, “Paolo Duterte” at “PaPaPi” sa Twitter.

Nag-viral din ang isang meme kay Piolo Pascual, na kilala sa bansag na “Papa P”.

Iba-iba ang reaksyon dito ng mga netizen:

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?