86

Apr 4, 2021 @ 18:53
By

Papalitan ng mga rookie: Mallari, Reyes binitawan ng Phoenix

Pormal nang free agent sina Alex Mallari at Jay-R Reyes matapos kumpirmahin ng Phoenix Super LPG na hindi na bibigyan ng kontrata ang dalawang manlalaro.

Sa report ng Spin.ph, kinumpirma ni Phoenix team manager Paolo Bugia na hindi na o-offeran ng panibagong kontrata ang dalawang manlalaro.

Saad ni Bugia, naging bukas ang management kina Mallari at Reyes na posibleng hindi na sila kunin sa susunod na season dahil sa pagpasok ng mga rookie.

Sa nakaraang 2021 PBA Draft, sinungkit ng Phoenix si Larry Muyang sa first round; Nic Demusis at Aljun Melecio naman sa second round.

Bukod pa sa tatlo, kanila ring kinuha sina Max Hentschel, Reymar Caduyac at Jerie Pingoy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?