70
ABANTE pcso chair corpuz bago sundalo
Jan 15, 2018 @ 15:53
By

Papalit sa nagbitiw na PCSO chair Corpuz, sundalo rin

Nilinaw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na sundalo rin ang posibleng ipalit sa nagbitiw na chairman ng ahensiya sa kabila na malaki ang tiwala ng Pangulong Duterte sa serbisyo ng mga sundalo.

Hindi naman sinabi kung sino ngunit pinaliwanag ni PCSO general Manager Alexander Balutan na mula sa Philippine National Police, dating general mula sa Davao at malapit sa Pangulo ang ipapalit sa nagbitiw na si PCSO Chairman Jose Jorge Corpuz.

Matatandaang nagbitiw si Corpuz dahil sa isyung pangkalusugan na unang nang na-stroke noong Nobyembre 207 at pinayuhan na umano ng kanyang doctor at pamilya na magretiro na sa panunungkulan sa gobyerno.

Kaugnay nito, umaasa ang Malakanyang na magiging maayos na ang takbo ng ahensiya sa pag-upo ng bagong chairman at ipagpatuloy ang pag-angat ng PCSO sa ilalim ng pamumuno nina Balutan. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?