48

Sep 13, 2019 @ 19:57
By

Papalit kay Yeng Guiao hinahanap na ng SBP

Sinimulan na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang pagtatakda ng magiging direksiyon ng sports sa bansa patungo sa taong 2023 habang pinagdidiskusyunan din nito ang agad na pagtatakda ng papalit sa puwesto na binitiwan ni national head coach Yeng Guaio bilang paghahanda sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games.

Mismong si SBP Honorary Chairman Manny V. Pangilinan ang nagpahayag sa pagdidirekta ng nais nitong isagawa na programa sa kanyang Twitter account na “Manny V. Pangilinan @iamMVP”.

“SBP has started to plan and prepare for 2023. We need to supply to spectators and guests an experience like never before, and demonstrate Filipino hospitality. Much pressure on our Gilas Team though – which is good. Ergo, let’s do better. Puso! #LabanPilipinas!,” sabi nito.

Napag-alaman din sa isang source na mataas na opisyal ng SBP na nagpulong kahapon ang mga opisyales at mga miyembro na bumubuo sa coaching staff upang agad na maitalaga ang uupo na bagong head coach na siyang pipili at gigiya sa pambansang koponan sa asam nitong ika-18 gintong medalya sa SEA Games.

“Marami silang pinagpipilian but I can’t give you the list,” sabi ng source. “Mayroon din silang gustong isama doon sa una nang ipinasa na listahan for accreditation purposes of the basketball team. Again, I can’t give you their names unless they make it official sa pagpasa ng accreditation papers,” sabi ng source.

Pinahahagingan naman ng source ang ilang mga batang players na posibleng magrepresenta sa bansa sa World Cup 2023 na ihohost ng Pilipinas, Indonesia at Japan upang agad na mabigyan ng exposure at ekspiriyensa sa internasyonal na torneo.

“Even I was surprise with those names. We have until the last day of September for the final list of athletes that will represent the country in the SEA Games in submitting the entry by names form. After that, wala nang palitan ito,” sabi ng source.

Matatandaang una nang binuo ang Gilas pool na kinabibilangan nina Kobe Paras at Kai Sotto bilang paghahanda naman ng bansa sa isasabak na koponan sa prestishoyosong World Cup at sa paghohost ng Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?