38

Dec 15, 2017 @ 10:17
By

Papalag sa proseso ng TRAIN ratification, welcome – Fariñas

May payo si House Majority Leader Rodolfo Fariñas sa mga umaalma sa proseso ng ratipikasyon ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN).

Ayon kay Fariñas, puwedeng idulog sa kinauukulan ang reklamo.

Marami aniyang paraan para makuntento ang mga nagrereklamong miyembro ng Kamara.

“If any member is contesting the report of the presiding officer and the floor leaders about the proceedings leading to the ratification of the BiCam Committee Report on the TRAIN, such member could bring it to the attention of Plenary or, if not contented, to the courts,” ayon kay Fariñas. (Aries Cano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?