142

Oct 28, 2021 @ 20:16
By

Paolo walang paramdam kay LJ

Walang effort si Paolo Contis na kausapin ang dating partner na si LJ Reyes matapos nilang maghiwalay.

Ibunyag ito ni LJ sa interview ni Boy Abunda sa YouTube channel noong Oct. 27 sa New York kung nasaan ang mag-iina ni Paolo

“No, Tito Boy, no efforts,” sagot ni LJ nang tanungin kung nag-reach out na si Paolo sa kanya.

Sa kabila nito ay pinagdadasal daw ni LJ na mapatawad si Paolo someday.

“Pinagdadasal ko na mapatawad ko siya kasi I know if I don’t forgive him, this very dark emotion will eat me up,” paliwanag niya.

“I won’t be able to move forward with my kids nang maayos, ‘yung walang galit. Siyempre, may pain. Hindi pa mawawala ‘yun.”

May isa nang anak sina Paolo at LJ: ang two-year-old na si Summer Ayanna.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?