244
Paolo nag-throwback ng ‘Tabing Ilog’ photo
By

Paolo nag-throwback ng ‘Tabing Ilog’ photo

May kuwelang post si Paolo Contis tungkol sa teen drama TV series na “Tabing Ilog”.

Sa kanyang Instagram ibinahagi nito ang larawan nila ni John Lloyd Cruz habang nakahalik sa kanyang pisngi ang huli.

“Nung March 14, nag celebrate ako ng birthday ko… pero 20 years ago, 1999, kasabay ng aking kaarawan pinalabas ang unang episode ng #TabingIlog,” sabi ni Paolo sa caption.

Nagbiro pa itong ang karakter nila ni John Lloyd ang totoong nagkatuluyan sa “Tabing Ilog”.

“Eto ang litratong nagpapatunay na si Rovic at si Badong ang nagkatuluyan sa ending! Hindi lang pinalabas! #Batang90s,” sabi pa ni Paolo.

Mahigit na apat na taon na ipinalabas sa ABS-CBN ang “Tabing Ilog”.

Maliban kina Paolo at John Lloyd, kasama rin sa cast sina Paula Peralejo, Patrick Garcia, Jodi Sta. Maria, Desiree del Valle, Baron Geisler at Kaye Abad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?