212

Dec 11, 2018 @ 12:38
By

Paolo mainit ang Pasko sa piling ni Kenneth

Lantaran na ang special friendship nina Paolo Ballesteros at Kenneth Concepcion.

Naglabasan na ang picture nilang magkasama sa isang dinner date.

Mag-fitness buddy rin sila, at sa nakaraang birthday ni Paolo ay may pa-flower si Kenneth sa kanya kahit walang binanggit ang Eat Bulaga Dabarkads kung kanino galing ‘yon.

Of course, hindi na kailangang umamin ng dalawa sa kanilang relasyon.

The thing speaks for itself, ika nga.

Kayo ba ang magtawagan na ‘siopao” bilang term of endearment, kailangan pa bang umamin?

Sabi nga ni Eddie Garcia sa isang linya sa festival movie niyang Rainbow’s Sunset, 2018 na ‘Weno naman?’

Samantala, si Pao naman kapag nagkokomento ang ilang netizen sa sexual preference niya ay “Weno naman?” din ang sagot.

With Kenneth around, sobrang init ng Pasko 2018 ni Paolo, huh!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?