14

By

Paolo Duterte naghain ng kandidatura sa pagka-kongresista ng Davao

Sharing is caring!

Tatakbo bilang congressman sa 1st District ng Davao si Paolo ‘Pulong’ Duterte na pormal nang naghain ng certificate of candidacy nitong Biyernes, Oktubre 12.

Sinamahan siya ng kanyang kapatid at Davao Mayor Sara Duterte sa paghahain nito ng COC. Kasama rin nila ang mister ni Sara na si Atty. Mans Carpio.

“Sa congressman for the first district si Former Vice Mayor Paolo Duterte,” sa naging interbyu kay Sara ng mga reporter ilang linggo na ang nakakaraan.

Si Paolo Duterte ay dati ring naging vice mayor ng Davao City na nag-resign makaraang makasagutan ang kanyang anak na si Isabelle sa social media.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?