106

Dec 25, 2017 @ 18:16
By

Paolo Duterte may delicadeza, hindi kapit-tuko – Sotto, Ejercito

Pinuri ng ilang senador si Davao City Vice Mayor at presidential son Paolo Duterte na nagbitiw sa puwesto epektibo ngayong araw.

Ayon kay Senate Majority Leader Tito Sotto, nararapat sa respeto si Paolo, kung tawagin ay Pulong, dahil hindi nangunyapit sa puwesto sa gitna ng mga isyu laban dito.

“He has his personal reasons but then it shows that Vice Mayor Pulong respects delicadeza and he has honor to protect. it also proves he is not the ‘kapit-tuko’ type. He deserves our respect,” sabi ni Sotto.

Hinangaan naman ni Senador JV Ejercito si Pulong dahil malamang na nagbitiw para hindi niya maidamay si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga isyung kinakaharap nito.

“Paolo Duterte made the supreme sacrifice of resigning as Vice Mayor of Davao, he most likely wanted to spare the President of further controversies from both personal and political issues,” sabi ni Ejercito.

“It takes guts and courage to make that ultimate sacrifice,” dagdag pa ng senador.

Sa talumpati sa special session ng konseho ng Davao City kanina, sinabi ni Pulong na nagbitiw siya sa puwesto bilang bise alkalde ng Davao City epektibo ngayong araw ng Pasko.

Dahilan niya ang pagkaladkad sa kanya sa drug smuggling sa Bureau of Customs at ang alitan nila ng 17-anyos na anak na idinaan sa social media.

“There are recent and unfortunate events in my life that are closely tied to my failed first marriage. These, among others, include the maligning of my reputation in the recent name-dropping incident in the Bureau of Customs smuggling case and the very public squabble with my daughter,” pahayag ni Pulong sa konseho.

“The other person in this failed relationship is incorrigible and cannot be controlled. And I take responsibility for all that has happened as a result of a wrong decision to marry at a very young age,” dagdag pa ni Pulong.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?