30

Oct 11, 2017 @ 7:33

Paolo Duterte, Mans Carpio pinalusot sa shabu smuggling

Hindi kasama ang presidential son na Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at brother-in-law nitong si Atty. Manases Carpio sa pinakakasuhan ng Senado kaugnay ng kontroberisyal na P6.4-billion shabu shipment mula sa China.

“[N]o evidence was established to connect the two to the smuggling of drugs or other contraband through the Bureau of Customs,” ayon sa Senate blue committee report.

Gayunman, inirekomenda ng committee sa pamumuno ni Senador Richard Gordon sa National Bureau of Investigation na isailalim sa “lifestyle check” ang dalawa kaugnay ng kanilang pagkakadawit sa smuggling ng naturang shabu noong Mayo.

“The committee is requesting the NBI to include both personalities in the lifestyle checks being conducted and which they also sought to be carried out on at least 13 personalities purportedly involved in the shipment, ayon sa 52 pahinang report.

“The committee decided to request the NBI to include both personalities in the lifestyle checks being conducted,” dagdag pa doon.

Sina Duterte at Manases ay inimbitahan sa pagdinig ng Senado matapos madawit ang kanilang pangalan sa diumano’y pagpasok sa bansa ng 604 kilo ng shabu na natagpuan sa isang warehouse sa Valenzuela.

“Personalities, who due to their close relationships to persons possessing high authority, are held to higher standards of accountability to the people precisely because of such close relationships,” sabi sa report.

“There are many examples that we are aware where rumors of abuse of close relationships abound, regardless of the administration in power. Perhaps this is an opportunity, in aid of legislation, to shed light into this area. In this administration, a similar pattern has emerged, with certain member of the First Family being linked to this sordid affair,” nakasaad pa doon.

Bukod kina Duterte at Carpio, inirekomenda ring isailalim sa lifestle check sina Davao City Councilor Nilo “Small” Abellera, customs broker turned whistleblower Mark Taguba at negosyanteng si Kenneth Dong na malapit na kaibigan diumano ng presidential son.

Ang Senate blue ribbon committee report ay nilagdaan nina Senators Manny Pacquiao, Francis Escudero, Cynthia Villar, Sonny Angara, JV Ejercito, Win Gatchalian, Loren Legarda, Juan Miguel Zubiri, Senate President Pro Tempore Ralph Recto and Majority Leader Vicente Sotto III.

Hindi naman pumirma sa report ang minority bloc members na kinabibilangan nina Senators Antonio Trillanes IV, Bam Aquino, Risa Hontiveros, Francis Pangilinan, ex officio member na si Minority Leader Franklin Drilon. (Dindo Matining)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?