48

Oct 26, 2017 @ 14:53

Paolo Duterte, magreretiro sa 2019

Ipinahayag ni Davao City Vice Mayor Paolo Duterte ang pagnanais na kumawala na sa pulitika at mag-focus na lang sa kanyang pamilya sa taong 2019.

Ito’y matapos umanong umiyak sa harapan niya ang kanyang anak at asawa nang akusahan siya ni Senador Antonio Trillanes IV ng pagiging miyembro ng drug triad.

“Vice Mayor Duterte said that he had enough of politics and wanted to focus more on his family and on his small farm at the back of his house,” ayon sa pahayag.

Matatandaang makailang ulit nang itinanggi ng bise alkalde ang paratang na pagkakaugnay niya sa kalakaran ng droga sa pagharap nito sa Senado kung saan tumanggi siyang ipakita ang kanyang likod, na sinasabing may tattoo umano ng dragon na simbolo ng pagiging miyembro nito ng triad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?