Paolo Duterte, iniimbestigahan pa rin ng Ombudsman

Sharing is caring!

Ibinunyag ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na iniimbestigahan pa rin ng kanilang opisina si dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte kahit pa naabsuwelto na ito sa P6.4-billion shabu smuggling case.

Ito ay may kaugnayan sa mga nakabinbing kasong kinakaharap ni Pulong sa anti-graft body.

Nilinaw naman ni Morales na si Paolo lamang ang iniimbestigahan dahil wala namang nakabinbin na kaso si Pangulong Rodrigo Duterte sa Ombudsman.

Hindi naman idinetalye ni Morales kung anong reklamo ang patuloy nilang iniimbestigahan dahil nag-inhibit na siya sa mga reklamo laban sa unang pamilya dahil ang pamangkin niyang si Atty. Mans Carpio ay asawa ni presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?