615

Jul 3, 2019 @ 10:36
By

Paolo Duterte atras sa pagka-Speaker, pinalitan ng Hugpong

Dahil sa delicadeza, umurong si Congressman Paolo Duterte sa plano na sumali sa agawan ng House Speakership.

Sa ipinalabas na pahayag ng Hugpong ng Pagbabago, batid nilang hindi papayag si Pangulong Rodrigo Duterte sa plano ng kanyang anak na makihalo sa agawan sa liderato ng Kamara .

Dahil dito, inendorso ng HNP ang kandidatura ni Congressman Isidro Ungab para maging House Speaker ng 18th Congress.

“We understand if President Duterte, because of delicadeza, will not accept the intent of our brother from Hugpong sa Tawong Lungsod, Congressman Paolo Duterte, to resolve the conflict among candidates.

“Therefore, we are endorsing the bid of Congressman Isidro Ungab for Speaker,” ang pahayag ng Hugpong ng Pagbabago.

Si Ungab ay four-term Congressman at tanging mambabatas na humawak ng dalawang komite, ang Ways and Means at Appropriations Committees.

Iminungkahi ng HNP na hawakan ni Congressman Alan Peter Cayetano ang majority leader position, habang si Lord Alan Velasco sa Appropriations Committee at si Congressman Martin Romualdez naman para sa Accounts Committee.

Nakamasid ang partido sa mga kaganapan sa Kamara at umaasang maliliwanagan ang mga mambabatas kung sino ang dapat mamuno sa kanila para sa interes ng sambayanan.

“We earnestly hope that everyone can see the light in this option and move forward with urgency in serving our country,” dagdag pa ng HNP.

Matatandaang nagbanta si Pangulong Duterte na bababa sa puwesto kapag nagdesisyon si Cong. Paolo Duterte na tumakbo sa pagka-speaker at sinabihan itong ipaalam agad sa kanya ang plano para makapag-resign bilang Presidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?