397

Dec 23, 2017 @ 11:42

Paolo Duterte, anak na si Isabelle word war sa social media

Nag-away sa social media si presidential son at Davao Vice Mayor Paolo Duterte at anak nitong si Isabelle nitong Biyernes.

Nagsimula ang bangayan nang mag-post si Isabelle sa kanyang Twitter account ng kanyang sama ng loob sa kanyang amang si Paolo.

Sabi ni Isabelle sa wikang Cebuano, hindi umano porket nasa kapangyarihan ang kanyang ama ay puwede na itong manakit ng tao.

“The one you’re touching is also human!!!! Not only human but a child!!!!” pasaring ni Isabelle sa kanyang ama.

Sa isa pang post ni Isabelle, sinabi nitong tuwing Kapaskuhan na lang ay sinisira diumano ito ng kanyang ama.

Sinagot naman ito ni Paolo sa kanyang official Facebook page kung sinabi nitong hindi umano basta na lang siyang mananahimik.

Dismayado din siya sa kawalan ng respeto nito sa kanya. Hinamon nito ang kanyang anak palitan na lang ang kanyang apelyido kung gusto nito

Narito ang kumpletong post ni Paolo:

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?