135

Sep 8, 2021 @ 22:28
By

Paolo dumepensa sa viral photo kasama si Yen

Kinumpirma ni Paolo Contis na sila nga ni Yen Santos ang nasa viral photo, na kumalat matapos kumpirmahin ni LJ Reyes na break na sila ng aktor.

Sa Instagram post, sinabi ni Paolo na nasa Baguio siya ng tatlong araw dahil gusto niyang makapag-isip-isip.

Inimbitahan daw niya si Yen para may makausap at pumunta naman ang aktres bilang isang kaibigan.

Hindi raw niya naisip na madadamay pa ang aktres sa isyu niya kaya humingi siya rito ng tawad.

“When LJ left for the States with the kids, I went to Baguio for 3 days dahil ayaw ko sa Manila at gusto kong makapag isip isip,” aniya.

“Naging insensitive ako about the possible effects nung issue and I invited Yen for a day para may makausap since malapit lang siya sa North din.

“She went there as a friend. Hindi ko naisip na madadamay siya ng ganito. I’m sorry for this,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?