67

By

Paolo dinepensahan si Kris sa basher

Sharing is caring!

KAHIT ano ang gawin ng isang Kris Aquino, may pupuna at pupuna sa kanya. Nakapagbigay man siya ng karangalan para sa bansa may negatibo pa ring masasabi ang ibang netizens.

Tulad na lang nang um-attend siya sa premiere ng “Crazy Rich Asians” kung saan may mahalagang papel na gagampanan ang Queen of All Media, ay nabatikos na naman siya.

Nag-post si Kris sa Instagram account ng kanyang snapshots sa Hollywood premiere ng CRA.
May netizen na nag-react. Aniya: “Siya (Kris) ba ung na hagip sa camera kung maka pustura daig pa si Nora Aunor sa international gala.”

Hindi nakatiis ang isa sa host ng “Eat Bulaga” na si Paolo Ballesteros na ‘di sagutin ang basher ni Kris. Depensa niya on behalf of Kris: “Nakakamatay ang inggit.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?