187

Sep 12, 2021 @ 21:34
By

Paolo binara mga ‘Marites’: Saglit lang raw siya sa Baguio

Muling nagsalita si Paolo Contis dahil sa inis sa mga ‘Marites’ na nagsasabing naglagi sila ni Yen Santos ng limang araw sa Baguio City kung saan sila nakunan ng viral video na magkasama.

Sa text message ni Paolo kay Ogie Diaz, ‘di na naitago ng aktor ang inis sa mga nagkakalat ng tsismis na nagtagal sila ni Yen sa Baguio.

“Naloloka na rin ako, mare. Ang sabi nila, five days daw kami sa Baguio ni Yen. May nasulat naman 10 days daw kami. Pakisabi gawin na nilang 30 days para happy sila,” saad sa mensahe ni Paolo.

“Paano mangyayari iyon? August 28 nagpabakuna ako sa Caloocan. August 30, nag-taping ako ng Bubble Gang. September 3, nag-taping ako ng Dear Uge. So ano yun, inaaraw-araw ko ang akyat panaog sa Baguio? Ano ito road trip every other day?” dugtong pa nito.

Kaya naman hinamon ni Paolo ang mga nakasabay niyang magpabakuna na mag-upload din ng larawan o video sa social media para mapasinungalingan na ang mga usap-usapan.

“Bakit walang nag-post? Hahaha. Now is the best time, i-post niyo yun dahil pinagbibintangan akong lima o 10 araw sa Baguio. Sayang walang CCTV nung nagpabakuna ako,” aniya.

Ang kinumpirma lamang ni Paolo ay tatlong araw lamang siya sa Baguio para makapagisip-isip kung saan inimbitahan niya si Yen sa loob lamang ng isang araw.

Nilinaw na rin ng aktor na siya – at hindi si Yen – ang dahilan ng hiwalayan nila ni LJ Reyes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?