236

Nov 5, 2017 @ 11:04

Paolo Ballesteros hataw sa 3 movies

Isang linggo lamang ang playdate ng dalawang pelikula ni Paolo Ballesteros, ang Trip Ubusan: The Lolas vs. Zombies ng APT Entertainment na ipalalabas sa mga sinehan sa November 22 at ang Barbi,The Wonder Beki ng Octoarts Films na mapapanood simula sa November 29 na nagkataon na actual birthday ng King of Make Up Transformation.

May pelikula rin si Paolo sa Viva Films, ang Amnesia Love na pinagbibidahan nila ni Yam Concepcion. Sa pagkakaalam ni Paolo, ngayong November din ang playdate ng Amnesia na Love at kapag nangyari ito, may Paolo Ballesteros film festival sa birth month niya.

“Actually, tatlong movies ang sabay-sabay na ginawa ko, ang Amnesia Love, Barbi, The Wonder Beki at Trip Ubusan, The Lolas vs. Zombies na halos sabay-sabay rin natapos.

“‘Yung Amnesia Love, alam ko dapat this November din ipalalabas. Kung nagkataon, tatlo sila na ipalalabas sa November.

“So, isipin mo na lang ‘yung pagod ko araw-araw? May shooting ako para sa tatlong pelikula at kapag walang shooting, may Eat Bulaga at The Lolas’ Beautiful Show ako,” ang kuwento ni Paolo na may birthday wish na paulit-ulit na panoorin at suportahan ng mga kababayan natin ang lahat ng Filipino movies, hindi lamang ang tatlong pelikula niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?