307

Dec 8, 2017 @ 10:15
By

Paolo Avelino nanahimik sa lovelife sa Fil-Aussie GF

Muli na namang natahimik si Paulo Avelino pagdating sa kanyang lovelife, at ito ay sa kanila kanyang foreigner girlfriend, isang Fil-Australian model na si Jodie Elizabeth Tasarek.

Ngiti lang ang halos isinagot ni Paulo sa mga tanong sa kanya ng press bago magsimula ang presscon proper para sa pelikulang

“Larawan” na kalahok sa MMFF2017 na pinagbibidahan nina Rachel Alejandro at Joanna Ampil.

Ang “Larawan” ay isang stage musical play ni Nick Joaquin na isinalin sa pelikula at ginawang musicale.

Papel ng isang lalakeng tutukso sa character ni Rachel para lang makuha ang interes nito sa ipinagbibiliang larawan.

Ilan lang ang mga sagot ni Paulo sa mga tanong tungkol sa girlfriend. Ayon sa kanya, gumagawa naman siya nang paraan kahit abala siya sa trabaho para magkaroon sila ng moment ni Jodie Elizabeth.

Happy naman raw si Paulo sa girlfriend niya at malamang na magkahiwalay silang magdadaos ng kanilang Pasko dahil siya raw ay posibleng sa Baguio kasama ang kanyang pamilya o kaya pababain na lang niya ang family niya para dito sa Manila sila mag celebrate.

Halos ayaw talagang bumuka nang bibig ni Paulo kapag ang usapan ay tungkol kay Jodie.

Paliwanag niya, hangga’t maari raw ay gusto niyang maging private ang kanyang personal life at huwag itong masyadong i-share sa public.

Sey pa niya, natututo na raw siya sa mga karanasan na hindi dapat lahat ng nangyayari sa buhay niya ay kailangang ilabas sa magdlang tao.

Anyways, bilang mabait namang artista si Paulo at maayos naman siyang makisama sa press, hindi na ito pinilit pa nang media na kulitin ng iba pang bagay tungkol sa kanyang lovelife.

More on “Larawan”, isang strong-contender sa pagiging “best supporting actor” si Paulo dahil sa husay nang pagkakaganap niya sa pelikula.

Malaki rin ang potensyal ng pelikulang humakot ng award lalo’t napaganda nang pagkakadirehe ni Loy Arcenas sa period-themed movie na ito.

Ang iba pang kasama sa casts ay sina Celeste Legaspi, Sandino Martin, Rayver Cruz, Zsa Zsa Padilla, Dulce, Aicelle Santos, Cris Villonco, Nanette Inventor, Nonie Buencamino, Menchu Launchengco, Jaime Fabregas, Ogie Alcasid at marami pang iba. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?