214

Nov 29, 2017 @ 15:44
By

Paolo at Ejay Falcon nakakakilig ang halikan

In character si Paolo Ballesteros nang dumalo sa red carpet premiere ng Barbi, D’Wonder Beki sa SM Megamall Cinema noong Lunes.

Dusa ang pagsusuot ni Paolo ng blue contact lenses sa kanyang mga mata para ma-achieve ang Barbie doll look pero nagtiis siya, sa ngalan ng sining at na-appreciate ito ng mga tao na sumuporta sa pelikula niya.

Si Ejay Falcon ang romantic interest ni Paolo sa Barbi kaya may mga pakilig sila na eksena na mabentang-mabenta sa audience na malakas ang hiyawan sa ‘kissing scene’ ng dalawa.

Hindi basta special participation ang appearance ni Joey de Leon dahil mahaba ang exposure niya. Ang tapusin ang closing credits ng pelikula ang payo namin sa mga nagpaplano na panoorin ang Barbi dahil sa surprise scene ni Joey.

Bago sinimulan ang screening ng Barbi, D’Wonder Beki, kinantahan si Paolo ng birthday song ng audience dahil kasabay ng opening day ng kanyang pelikula ang 35th birthday niya.

Dumalo sa red carpet premiere ng Barbi, D’Wonder Beki ang pamilya ni Paolo na sanay na sa pagbibihis-babae niya. Bumaba rin mula sa Baguio City ang mga kaibigan ni Paolo para suportahan siya at ang kanyang pelikula. (Jojo Gabinete)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?