148

May 13, 2019 @ 7:40
By

PAO chief Acosta pinasususpinde sa Ombudsman

Pinasususpinde sa Office of the Ombudsman ang chief ng Public Attorney’s Office (PAO) na si Persida Rueda-Acosta kaugnay sa mga reklamong isinampa laban sa kaniya dahil sa umano’y graft, falsification at malversation.

Hiniling din ng complainant na si Wilfredo Garrido Jr. na suspendihin si Dr. Erwin Erfe dahil sa umano’y “dishonesty, oppression and grave misconduct in the performance of duty.”

Sa mosyon na isinampa nito nakasaad na kung mananatili sa kanilang posisyon ang dalawa ay makaapekto ito sa kaso.

Ayon umano sa Section 24 ng R.A No. 6770 o ang Ombudsman Act of 1989, may kapangyarihan ang Ombudsman na mag isyu ng preventive suspension order kung sa kaniyang palagay ay malakas ang ebidensya laban sa mga ito.

“There is imminent danger that respondents can tamper with the evidence in this case,” aniya. Dagdag pa niya’y maaaring maapektuhan ng mga ito nang hindi maganda ang PAO Forensic Laboratory at manipulahin ang mga research results.

Una nang nagsampa ng kaso si Garrido na nag-aakusa sa mga dalawa ng graft, malversation, falsification of public documents at illegal use of public funds.

Sa naturang complaint ay sinabi rin ni Garrido na dapat na imbestigahn ng Ombudsman ang grave misconduct, serious dishonesty, grave abuse of authority, at magsagawa ng prejudicial laban kanila Acosta at Erfe para sa interes ng serbisyo publiko.

“Apart from misusing public funds to create an office without authority, respondents’ propensity to manufacture evidence in an office under their direct control is indicative of bias, persecution, malice and downright dishonesty,” nakasaan sa complaint.

Sina Acosta at Erfe ay ang sentro ng high controversial na Denvaxia cases.

Ang dalawang complaint at ang motion to suspend ay nag-ugat sa pagpupursige ni Acosta na gumawa ng PAO Forensic laboratory kahit na walang authority mula sa Kongreso, ang hakbang na ani Garrido ay nagsilbi lamang sa mga kapritso ni Acosta.

“She didn’t want to take the risk of being debunked and embarrassed by the PNP or NBI, so she had to create her own forensic laboratory under her own control and supervision,” nakasaad sa complain kaugnay sa PAO Forensic Laboratory.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?