343

Dec 13, 2017 @ 15:01
By

Panuntunan sa ligtas na inuming tubig, inilabas ng DOH

Naglabas ang Department of Health (DOH) ng mga panuntunan para matiyak na ligtas ang inuming tubig natin base na rin sa Philippine National Standards for Drinking Water 2017.

Ito ay ang mga sumusunod:

Pagsusuri ng kalidad ng tubig; water sampling at eksaminasyon nito; maayos na distribution ng inuming tubig; pag-e-evaluate sa resulta; classification of quality parameters; quality assurance/quality control para sa mga water laboratories; at Water Safety Plan (WSP) at surveillance ng kalidad ng tubig.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ang kalalabas lang na Philippine National Standards for Drinking Water 2017 ay applicable at dapat na sinusunod ng lahat ng drinking water service provider, mapa-gobyerno man o private body, upang matiyak na malinis na tubig ang naiinom ng mga Pilipino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?