122

Nov 27, 2017 @ 16:50
By

Panukalang i-VAT exempt sa BOT contracts, tinabla ng Senado

Ibinasura ng Senado ang mungkahi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na gawing exempted sa 12 porsiyentong value added tax (VAT) ang mga build-operate-transfer contracts.

Pitong senador ang bumoto kontra sa mungkahi ni Recto samantalang lima ang kumampi rito.

Dahil dito, nagbabala si Recto na magtataas ang bayad sa pamasahe at awtomatikong magtataas ng 12 porsyento dahil sa VAT kapag isinapibado nang tuluyan ang MRT at LRT.

Idiniin nya na wala namang mawawala sa gobyerno kung gagawin itong VAT-exempt ngayon pa lamang dahil hindi naman kinukolektahan ng VAT ang mga suplay at gastos ng mga BOT.

Ang mungkahi rito ni Recto ay ginawa sa gitna ng patuloy na pagtalakay ng Senado sa tax reform bill.

Ayon kay Senador Sonny Angara, chairman ng senate committee on ways and means at nagtatanggol sa tax reform bill, tumutol ang Department of Finance sa mungkahi ni Recto dahil malaki ang mawawalang kita ng gobyerno.

Puwede pa umano silang pumayag kung ang MRT at LRT lang angmagiging exempted sa VAT pero sa mungkahi ni Recto, gustong sakupin ang lahat ng BOT.

“It’s not just the MRT and the LRT but all the BOT contracts. So malawak ang sakop niya. Kung specify siguro kung MRT o LRT lang, baka tanggapin pa. Pero it’s all BOT Napakaraming kontrata nyan,” diin ni Angara.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?