28

Oct 17, 2021 @ 13:40
By

Panukalang sentralisadong sistema sa warehousing inihain sa Senado

Isinusulong ni Senador Francis ‘Tol’ Tolentino ang isang panukala na gawing sentralisado ang sistema sa lahat ng ahensya ng pamahalaan na bahagi sa proseso ng procurement.

Sa Senate Bill No. 2431 na inihain ni Tolentino, layunin nito na amiyendahan ang Republic Act No. 9184 o ang Government Procurement Reform Act at bumuo ng isang senstralisadong “warehousing and inventory system” sa lahat ng sangay ng gobyerno na may kinalaman sa pagbili.

Sa ilalim ng panukala, mamanduhan ang Government Procurement Policy Board (GPPB) ng sentralisadong panuntunan o ‘stand operating procedure manual’ sa tamang sistema ng pag imbentaryo at warehousing sa ispesipikong mga bagay na bibilihin ng bawat ahensya ng pamahalaan.

Nauna nang pinayunaun ni Tolentino ang Department of Education (DepEd) na makipag sanib-pwersa sa Department of Science and Technology (DOST) and at sa Department of Information and Communications Technology (DICT) upang bumuo ng isang ‘inventory management system’ sa kagawarang pinamumunuan ni Sec. Leonor Briones.

“My attention was called on several items referring to inventories. It is a tough matter to discuss and implement and perhaps concur with the suggestion of the Commission on Audit,” ani Tolentino sa pagdinig ng Senate Committee on Finance para sa panukalang 2021 budget ng DepEd.

Sa nasabing pagdinig, hinimok ni Tolentino si Briones na makipag sanib-pwera sa DOST at DICT upang bumup ng isang ‘automated and cloud-based warehousing and inventory system’ para sa DepEd.

“This would not be based on papers, ledgers, charts, etc. This would involve the DOST, perhaps the DICT with you at the helm and making the initiative,” dagdag pa ni Tolentino.

Pabor naman soi Briones sa suhestyon ng senador. Dagdag pa ng kalihim, ang pagkakaroon ng isang sentralisado sistema sa warehousing at imbentaryo ay makabubuti hindi lamang para sa DepEd kundi maging sa iba pang ahensya ng pamhalaan. (Dindo Matining)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?