88

Jun 23, 2021 @ 20:53
By

Panukalang pension system ng mga sundalo binago

Dininig ng Kamara de Representantes ang apela ng mga sundalo kaugnay ng panukalang pagbabago sa sistema ng kanilang pensyon.

Ayon kay House Ad hoc committee chairperson at Albay Rep. Joey Salceda, hindi na babaguhin ang kasalukuyang Military and Uniformed Personnel (MUP) Pension System.

Ayon kay Salceda kung tataas ang sweldo ng mga aktibong MUP ay tataas din ang pensyon ng mga retirado.

Pero sinabi ni Salceda na napagkasunduan na lilimitahan sa 5% ang maaaring itaas ng suweldo ng mga MUP taon-taon sa loob ng 10 taon.

“We have studied and listened to the concerns of the uniformed services. Our resolution is to simplify the reform. The heart of the problem is indexation to very rapidly growing salaries. So, the solution is to contain the most crucial aspect of the problem. Let’s contain uncontrollable salary increase,” sabi ni Salceda.

Ang average na pagtaas sa sahod ng MUP sa nakaraang limang taon ay 4.2% at 4.4% naman sa nakaraang 10 taon.

“By retaining the pension system structure, I mean everything, including voluntary retirement. So, we are addressing the service members’ concerns about early retirement. We will not change how the pension is computed, or how benefits are computed,” dagdag pa ni Salceda.

Sa kasalukuyan ay pinapayagan ng magretiro ang mga nakapag serbisyo ng 20 taon at ang matatanggap ng magreretiro ay pensyon na kasing halaga ng suweldo ng sinusundan nitong ranggo.

Sinabi ni Salceda na sa pamamagitan nito ay maiiwasan na gumuho ang pension system ng MUP.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?