32

Nov 24, 2021 @ 14:40
By

Panukalang pagpapalaya sa akusadong may malubhang kalagayan isinulong

Naghain ang mga miyembro ng Makabayan bloc ng panukala upang maaaring ma-release on recognizance ang isang akusado kapag mahina o delikado ang kanyang kalusugan.

Ayon kay House Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate inihain ng Makabayan bloc ang House Bill 10535 bilang pagkilala kay Antonio “Tatay Tonyo” Molina, isang matandang political prisoner na mayroong kanser at namatay habang nakakulong noong nakaraang linggo.

“It is also for the many more Tatay Tonyo political prisoners still in jail, especially those who are old and sick,” sabi ni Zarate. “Despite his advanced age and serious sickness, a local court in Palawan unjustly denied his plea for release on bail or recognizance.”

Aamyendahan ng panukala ang Recognizance Act of 2021 (Republic Act 10389).

Sa ilalim ng RA 10389 maaaring ma-release on recognizance ang isang tao na walang pampiyansa dahil sa kahirapan at ilalagay sa ilalim ng pangangalaga ng isang kuwalipikadong indibidwal sa barangay, siyudad o munisipyo kung saan siya nakatira.

“While the convicted Marcoses continue to flaunt their “untouchability”, an elderly, sickly, poor farmer died because of trumped-up charges and the skewed justice system. Tatay Tonyo, 66 and a farmer in Palawan, was unjustly arrested and jailed in 2019,” dagdag pa ni Zarate.

Nakasaad sa panukala na dapat maipakita ng isang akusado na siya ay mayroong karamdaman at ang pagkakakulong ay maaaring maglagay sa kanyang buhay sa peligro. Kasama rin sa panukala ang mga buntis. (Billy Begas)

Bianca Umali binuyangyang ang katawan sa IG

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?